Martes, Hulyo 29, 2014

Asya

Asya




     Ang Asya ay ang isa sa mga lupalop ng mundo. Ang Asya ang may pinakamalaking bahagdan ng populasyon at sa lawak, sapagkat sakop nito ang 1/3 ng mundo. Sa kanluran ng Asya matatagpuan ang lupalop ng Europa; sa timog-silangan at silangan ang Awstralya at Osyansa; sa timog-kanluran naman banda ang Aprika.

Ang kontinenteng ito ay ang pinakamalaking lupalop sa buong mundo at tinaguriang isa sa pinagsibulan ng mga dakilang Kabihasnan na nagpabago at humubog sa kaisipan at paniniwala ng mga tao sa daigdig nating ito.Ilan sa mga kilalang kabihasnan na nagmula dito sa Asya ay ang kabihasnang Tsina, India, Mesopotamia, Persia at kabihasnang Armaiko na may dalawang sangay-ang Israel at arabo. Sa Asya rin matatagpuan ang Karagatang Indian, Dagat Timog Tsina (ang pinakamalaking dagat sa mundo), Karagatang pasipiko at Karagatang Artiko. Ang Europa ang kadikit nitong continente na pinaghiwalay lang ng mga hangganan ng kabundukan ng URAL, Dagat ng caspian,Itim na dagat at ng kabundukan ng Cawkasus. Ang Suez Canal naman ang siyang hangganan nito bago dumating sa bansang Ehipto ng kontinenteng Aprika. Sa dami ng mga pangkat ng lahi ng mga tao, ang Asya pa rin ang nangunguna at patuloy na yumayabong sa paglabas nito patungo sa iba pang mga bansa at pagdagsa din dito ng mga ibang lahi ng tao mula sa kontinente ng Europa, Amerika at Afrika.

Kasaysayan ng Asya


   Ang kasaysayan ng Asya ay makikita bilang kolektibong kasaysayan ng ilang mga natatanging mga paligid pandalampasigan mga rehiyon tulad ng Silangang Asya, Timog Asya, at ang Gitnang Silangan Naka-ugnay ito sa pamamagitan ng panloob na tumpok ng mga taong hating Asyano at Europeo sa kapatagan.
Ang dalampasigan ay ang tahanan sa ilan sa mga maagang sibilisasyon sa daigdig. Ang bawat isa sa tatlong rehiyon ay bumubuo ng mga sibilisasyon sa paligid ng mga lambak at ilog. Sagana ang mga lambak dahil ang lupa ay may mayamang lupa at maaaring tamnan ng maraming halamang-ugat. Ang mga sibilisasyon sa Mesopotamya, sa Lambak ng Indus, at sa Tsina ay nagbahagi ng maraming mga pagkakatulad at palaging nagpapalitan ng teknolohiya at mga ideya tulad ng matematika at ang mga gulong. Iba pang mga paniniwala tulad ng pagsulat ay maaaring binuo paisa-isa sa bawat lugar. Nabuo ang mga lungsod, estado, at imperyo sa mga mabababang lugar.
    Ang mga patag ng rehiyon ay matagal na pinaninirahan ng mga pagala-gala, at mula sa central steppes ay maaaring sila umabot sa lahat ng mga lugar ng Asya. Ang hilagang bahagi ng kontinente, na sinasakop ng Siberia ay hindi rin mararating ng mga pagala-gala sa kapatagan dahil sa mga makakapal na kagubatan at tundra. Ang mga lugar sa Siberia ay bihira panirahan ng tao.
Ang mga sentro at paligid ay inihiwalay ng mga bundok at disyerto. Ang Caucasus, Himalayas, Disyerto ng Karakum, at Disyerto ng Gobi ay bumuo ng mga hadlang para mahirapang makatawid ang mga mangangabayo sa kapatagan. Habang sa larangan ng teknolohiya at kultura, ang mga naninirahan sa lungsod ay mas masulong na, kaunti lamang ang magagawa nila na protektahan ang sarili nila laban sa mga pagala-gala. Gayunman, ang mga mabababang lugar ay hindi magkakaroon ng sapat na bukas na damuhan upang suportahan ang isang malaking pwersa ng mga nakakabayo. Kaya ang pagala-gala na sumakop sa Tsina, India, at Gitnang Silangan ay napilitang umangkop sa lokal na lipunan.

               Modernong panahon (1500-kasalukuyan)

Ang Imperyong Ruso ay nagsimulang lumawak sa Asya noong ika-17 siglo, at kokontrol ng Siberya at karamihan ng gitnang asya sa ika-19 siglo. Ang imperyong ottoman ay kinokontrol ang Turkiya at ang gitnang silangan mula ika-16 na siglo pataas. Noong ika-17 siglo, ang Manchu ay sinakop ang Tsina at itinatag ang dinastiyang Qing, bagaman ito ay sa tanggihan sa ika-19 siglo at ibinagsak noong 1912.
Ang kapangyarihang Europeo ay kumontrol ng iba pang bahagi ng Asya noong 1900s, tulad ng indyang ingles, indotsinang Pranses at Macau at Goa ng Portuges. Ang Great Game sa pagitan ng Rusya at Britanya ay ang mga pakikibaka para sa kapangyarihan sa rehiyon ng Sentral Asya noong ika-19 siglo. Ang Trans-Siberian Railway, na tumatawid sa Asya sa pamamagitan ng tren, ay kumpleto na noong 1916. Ang ga bahagi ng Asya ay nanatiling nalaya mula sa kontrol ng Europa, bagaman hindi umimpluwensiya, tulad ng Persiya, taylandia at karamihan ng Tsina. Sa ika-20 siglo, ang Imperial Japan ay pinalawak na sa Tsina at Timog-silangang Asya sa panahon ng ikalawang digmaan pandaigdig. Pagkatapos ng digmaan, maraming mga bansanng Asyano ay naging malaya mula sa kapangyarihang Europeo. Sa panahon ng digmaang malamig, sa hilagang bahagi ng Asya ay komunista na kinokontrol ang unyong sobyet at peoples republic of china, habang ang kanluraning alyado ay nakabuo ng mga samahan tulad ng CENTO at SEATO. Ang mga away tulad ng digmaang korea,digmaang vietnam at pagsakop ng USSR sa Apganistan ay away sa pagitan ng mga komunista at di-komunista. Isang dekada matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, isang napakalaking planong pagbuhay muli ay nagdala sa hapon bilang pangalawang-pinakamalaking ekonomiya sa mundo, isang palatandaan na kilala bilang pang-ekonomiyang himala matapos ang digmaan sa Hapon. Ang tunggaliang Arabe-Israelita ay may dominadong tala sa pangkasalukuyang kasaysayan ng gitnang silangan. Pagkatapos ang pagbagsak ng unyong sobyet noong 1991, maraming mga bagong malayang bansa ang naitatag sa Gitnang Asya. Naimbento ang tren noong ika-19 na siglo. Si John Castro ang nakaimbento ng tren(Thomas & Friends). Siya ay nag-aaral sa Harvard University.

Rehiyonal na Pagkakahati sa Asya

  • Hilagang Asya
Armenia
Azerbaijan
Gorgia
Kazakhstan
Mongolia
Tajikistan
Turkmenistan
Uzbekistan

  • Kanlurang Asya
Bahrain
Cyprus
Iran
Iraq
Israel
Jordan
Kuwait
Lebanon
Oman
Qatar
Saudi Arabia
Syria
Turkey
United Arab Emirates
Yemen

  • Timog Asya
Afghanistan
Bangladesh
Bhutan
India
Maldives
Nepal
Pakistan
Sri Lanka

  • Timog-Silangang Asya
Brunei
Cambodia
East Timor
Indonesia
Laos
Malaysia
Myanmar
Philippines
Singapore
Thailand
Vietnam

  • Silangang Asya
China
Japan
North Korea
South Korea
Taiwan


Mga Anyong Lupa sa Asya

     Ang mga anyong lupa na matagtagpuan sa asya ay ang mga mataas at malaking hanay ng kabundukan, talampas, bulkan, malapad na kapatagan, lambak at disyerto . Binubuo ng malaking kalupaan ang mga tagaway, arkipelago at maraming pulo ang asya.

  • Bulubundukin -  ang bundok ay ang anyong-lupa na nakaangat mula sa lebel ng dagat ( sea level ) at may taas na umaabot sa mahigit 2 000 talampakan. Ang mahabang hanay ng mga bundok ay tinatawag na bulubundukin. Matatagpuan sa Asya ang naglalakihang bulubundukin. Pinakatanyag sa mga ito ang Himalayas na bumabagtas mula Pakistan hanggang Myanmar. Sa bulubunduking ito matatagpuan ang Bundok Everest, ang itinuturing na pinakamataas na bundok sa mundo. Katabi ng Himalayas ang bulubunduking Karakoram. Sa daawang bulubunduking ito matatagpuan ang halos lahat ng pinakamataas na bundok sa daigdig. Ang iba pang mahalagang bulubundukin sa Asya ay ang Altai, Kunlun, Tien Shan, Hindu Kush, Zagros, Caucasus, at Ural.





  •    Bundok - mont [katawagang pang-heograpiya], at mount [isa pang katawagang pang-heograpiya] ay anyong lupa na lumalagpas sa taas ng paligid ng mababang bahagi ng lupa sa isang limitadong lawak. Sa pangkalahatan, mas matarik ang bundok kaysa isang burol, ngunit walang mga pangkalahatan pamantayan tinatanggap para sa kahulugan ng taas ng isang bundok o isang burol bagaman may kinikilalang tuktok ang isang bundok.

   Tinatakpan ng mga bundok ang 54% ng Asya, 36% ng Hilagang Amerika, 25% ng Europa, 22% ng Timog Amerika, 17% ng Australia, at 3% ng Aprika. Sa kabuuan, Bulubundukin ang 24% ng lupain sa daigdig. Nakatira ang 10% ng tao sa mga rehiyong bulubundukin. Nagmula sa mga bundok ang karamihan sa mga tubig sa ilog, at mahigit sa kalahati ng sangkatauhan ang umaasa sa mga bundok bilang pinagkukunan ng tubig.
  • Bulkan - isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo.






  • Talampas -  ito ay may lawak na kapatagan sa tuktok ng isang mataas na anyong-lupa.
    Ang mahalagang talampas ng gitnang Siberia (Russia), Mongolia, Tibet, Deccan (India), at Turkey.


      • Disyerto - ay isang bahagi ng lupa kung saan ito ay mabuhangin at meron ding mabato. Kadalasang matatagpuan ang disyerto sa mga bansang may maiinit na klima tulad ng mga bansa sa Gitnang silangan. Walang permanenteng mga bahagi ng tubig, hindi dinadalaw ng ulan at hindi karaniwang tinataniman.



      • Kapuluan o Arkipelago - ay isang pangkat ng mga isla o pulo. Ang kapuluan o arkipelago ay isang anyong lupa na binubuo ng malalaki at maliliit na pulo. Panay tubig ang nakapaligid sa isang pulo. 


      • Pulo - ay isang bahagi ng lupa na higit na maliit sa kontinente at higit na malaki sa bato na napaliligiran ng tubig. Ang maliliit na pulo na hindi napakikinabangan ay tinatawag na islet sa Ingles. Ang mga pangkat ng mga magkakaugnay na pulo ay tinatawag na arkipelago.



      • Tangway o Peninsula - ay isang lupa na napapaligiran ng tubig sa tatlong sulok. Maaaring maging tangway ang mga punong lupain (headland), tangos (cape), pulong promontoryo, lupaing palabas ng dagat, punto o spit. ito ay kalupaang nakausli sa dagat at halos napalilibutan ng tubig. Ang mahalagang tangway ng Asya ay ang mga
        tangway ng Arabia, India, Malay, Indochina,
        at Kamchatka.



      • Kapatagan - sa Heograpiya ay mahaba, patag at malawak na anyong lupa. Madaling linangin at paunlarin ang mga pook na kapatagan. Mainam ito sa pagsasaka, Pagtatayo ng mga kabahayan at paaralan at sa pangangalakal kaysa sa mga talampas at mga bundok
          Ito rin ang pinakamataong uri ng anyong lupa. Dahil sa patag na lupain, mas madaling magpagawa ng mga lugar na maaaring gamitin ng mga tao. Sa Pilipinas, malalawak ang mga kapatagan sa Gitnang Luzon gaya ng Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at Bulacan. Maraming produkto ang nakukuha rito tulad ng palay, mais, tubo, kamote at iba pang mga gulay. Sa kapatagan naman ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ay may malalawak na taniman ng niyog, kape, pinya, dalandan, mais at palay. Sagana naman sa abaka, papaya, mangga, tubo at mga gulay sa mga kapatagan ng Negros, Davao, Cebu at Iloilo.

      "Vegetation Cover" o Behatasyon ng Asya

      • Steppe - 
        sa heograpiyang pisikal ay isang ekorehiyon na matatagpuan sa mga lugar na may temperaturang katamtaman at subtropikal sa hilaga at timog ng hemispero. Tampok na katangian ng steppe ay ang malawak na madamong kapatagan at kapansin-pansin ang kawalan ng mga puno rito, maliban na lamang sa mga lugar na malapit sa mga katawang-tubig, gaya ng mga ilog at lawa. Maaaring may katuyuan ang steppe at depende sa latitud at panahon ang uri ng damong tumutubo rito. Masasabing ang steppe ay medyo tuyot upang magkaroon ng kagubatan, ngunit di-naman gaanong tuyot upang maging disyerto ito. Ang steppe ay tinutukoy 

        namang prairie sa hilagang amerika.
                                                 

      • Prairie -  Isang malawak na lugar ng relatibong patag na pastulan.


      • Savanna - Isang malawak na sukat o lagay ng antas ng lupa na sakop ang paglago ng halaman na karaniwang matatagpuan sa isang mamasa-masa lupa at mainit-init na klima, - bilang damo o mga damo, - ngunit salat ng mga puno.



      • Taiga - matatagpuan ang klimang ito sa gawing timog ng tundra . Ito ay galing sa salitang Ruso na nangangahulugang "kagubatan" . Mahaba ang taglamig dito, samantalang maikli lamang ang tag araw 



      • Tundra - lugar na hindi katatagpuan ng mga puno kundi ng mga lichen, moss,damo at woody plant.



      • Rainforest - ay mga gubat na mayroong mataas na antas ng pag-ulan. Ang pinakamababang taas ng pag-ulan kada taon ay tinataya sa 1750–2000 mm (68-78 pulgada). Ang monsoon trough, mas kilala bilang intertropical convergence zone, ay may malaking papel na ginagampanan sa paglikha ng mga tropikal na maulang gubat ng Mundo.

          Mula 40 hanggang 75% ng lahat ng uri sa mundo ay katutubo sa mga maulang gubat.[1] Tinatayang milyon-milyong mga uri ng halaman, kulisap at mikroorganismo ang hindi pa natutuklasan. Ang mga tropikal na maulang gubat at tinatawag na "Hiyas ng Mundo" at "ang pinakamalaking parmasya", dahil sa dami ng mga likas nagamot na natuklasan dito.[2] Ang mga mauulang mga gubat ay naglalabas ng 28% ng lahat ng oksiheno ng mundo,[3] sa pamamamagitan ng potosintesis mula sa karbong dioksido.


      Likas na Yaman

         Ang ating bansa ay pinagkalooban ng mga likas na yaman. Gaano nga ba kahalaga ang mga ito? Magmula sa lupa hanggang sa katubigan ay marami tayong mapapakinabangan. Ang mga matataas na puno sa kagubatan ay tunay na mahalaga. Marami itong mapaggagamitan. Pati na rin ang iba’t ibang mga nilalang niya dito lang matatagpuan. Ang ating karagatan naman ay biniyayaan ng maraming laman. Hindi lamang matatabang mga isda ang matutunghayan kundi mga kabibeng nagsisipagkislapan.

         Masakit isipin na sa ngayon ay unti- unti na itong naglalaho, kunti na ang dati’y matatayog at malalagong puno, pati na rin ang iba’t ibang klase ng mga hayop. Maging sa ito’y lumilipad o naglalakad. Bihira na rin ang mga lamang –dagat na nahuhuli. Ang mas masahol pa ay tayo ring mga tao ang siyang dahilan ng unti- unting pagkaubos nito. Marami sa atin ngayon ang hindi man lang marunong magpahalaga sa mga biyayang kaloob sa kanila. Marunong lamang magputol subalit hindi alam magtanim. Bihasa lang sa panghuhuli pero hindi alam kung paano magpunla. Totoong masakit itong pakinggan, subalit ito ang katotohanan.

        Hindi pa huli ang lahat. Bilang isang kapakipakinabang na mamamayan, marami pa tayong magagawa para maisalba ang ating kalikasan. Ang pagkilos ay ngayon na, habang may panahon pa. Panahon na kung saan may mga puno, iba’t- ibang uri ng hayop at isda pang natitira. Hintayin mo pa bang maubos na talaga ang mga ito?

        Halinang magtanim ng maraming puno. Atin ng linangin ang mga lupang tiwangwang at nang ating mapakinabangan. Iwasan ang paggamit ng dinamita at iba pa na nakakasira sa mga buhay sa ilalim ng karagatan. Iwanan na din ang pagmimina na oo nga’t may kasaganaang dala, katumbas nama’y kahindik- hindik na pagbaha. Hindi lamang matinding pagbaha ang maaaring idulot nito, dahil maaari ring mawala ang buhay ng nakararaming tao. Ang panawagan ko sanang ito ay tumatak sa puso’t isipan ninyo, lalong- lalo na sa ating mga pinuno. Gawin niyo sana ang inyong tungkulin na ang kalikasa’y pangalagaan, upang hindi tuluyang malugmok ang pinakaiingat- ingatang yaman na ipinagkaloob at ipinagkatiwala sa iyo, sa akin at sa ating lahat ng ating mapagpalang Maykapal.


      Heograpiya ng Asya

      • Ang heograpiya ay ang aral tungkol sa mundo. 
      • Ang tawag sa agham ng mga lokasyon ng mundo. Nakapokus ita sa distribusyon ng likas na yaman mga tao sa ibawbaw ng lupa. 
      • Ang heograpiya ay ang pag-aaral sa mundo at lahat ng mga nangyayari dito. 
      • ang heograpiya ay binubuo ng 1/4 na anyong lupa at 3/4 na anyong tubig ng mundo. 
      • ang heograpiya ay ang pag-aaral tungkol sa mga katangiang pisikal ng daigdig
      • Heograpiya ay ang pangunahing pag-aaral ng ang lokasyon, lawak, pamamahagi, dalas at pakikipag-ugnayan ng lahat ng mga makabuluhang mga elemento ng tao at pisikal na kapaligiran sao malapit ng ibabaw ng Earth, lalo na sa mga tampok nito at ng pamamahagi ng mga buhay sa earth, kabilang ang mga tao buhay at ang mga epekto ng mga tao na aktibidad.

      • Klima sa Asya
      Tag-lamig
      Tag-ulan
      Tag-araw
      Tag-lagas
      Tag-sibol
      Ang klima ay pangkaraniwang at pangmatagalang kalagayan at katangian ng panahon sa isang takdang lugar o rehiyon.

      • Dalawang (2) Uri ng Monsoon
      Hanging Habagat - Ang hanging habagat ay tinatawag ding southwest moonsoon. Ito ay nanggagaling sa timog kanluran.

      Hanging Amihan - malamig na hangin mula sa timog-kanluran na nagdadala nga bagyo.