Mga Sinaunang Kabihasnan
Ang sinaunang kabihasnan ay nakatutulong sa pagkakakilanlan ng isang nasyon. Ang sinaunang mga kabihasnan o matatandang mga kabihasnan ay mga kauna-unahang pang mga kabihasnang o mga sibilisasyon noong unang panao mga sibilisasyon noong unang panahon na naitatag ng mga tao. Ang mga Sumeryo sa Mesopotamya, ng mga Akadyano, ng mga Asiryo, ng mga Babilonyo, ng sinaunang Ehipto, ng sinaunang Indiya, ng Lambak ng Indus, ng sinaunang Tsina, ng sinaunang Persiya, ng sinaunang Gresya o kabihasnang Heleniko, ng kabihasnang Helenistiko (kasama ang ng mga Penisyo, ng sinaunang mga Romano, ng mga kelto, ng mga Dasyano, ng mga Ebreo, ng mga Trasyano, ng mga Minoe), ang mga kabihasnang pre-kolumbyano (kasama ang sa mga Olmek, mga Maya, mga Sapoteks, mga Inka, mga Toltek, at mga Asteka) ay kabilang sa mga sibilisasyon.
Sumer - ay isang grupo ng tao na tumira sa mesopotamia. Ang mga Sumerian ang pinakaunang mayoryang pangkat na nandayuhan sa Mesopotamia. Nagsimula sila sa mga burol sa silangan. Nakihalubilo sila sa mga orihinal na pangkat ng unang taong nakatira roon hanggang sa nakilinang ng kultura na tinatawag na Sumerian. Maraming mananalaysay ang naniniwala rito sapagkat marami silang mga naimbento na naging kapaki-pakinabang sa kabihasnan.
Mesopotamya - ay isang lugar sa Timog Silangang Asya. Kilala rin ito bilang lugar ng ilan sa mga pinakamakasaysayang kabihasnan o sibilisasyon sa daigdig. Ang mga kontribusyon ng kabihasnang mesopotamia pagdating sa larangan ng kaalaman sa teknolohiya ay paggamit ng araro, pagpapalayok ang gamit ang gulong metalurhiya ng bronse at paggamit ng perang pilak. sa larangan naman ng matematika, naimbento o natuklasan rin nila ang pagbilang na batay sa sampu o decimal system, Ang hugis na bilog ay hinati nila sa 360 degrees at pagkatuklas ng kalendaryong lunar. Isa rin sa naging kontribusyon nila ay ang sistema ng pagsulat na kung tawagin ay cuneiform.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento